Salvation Prayer
O Panginoon Diyos, naniniwala ako ng buong puso ko kay Jesucristo, Anak ng buhay na Diyos. Naniniwala ako na Siya ay namatay para sa akin at binuhay Siya ng Diyos mula sa mga patay. Naniniwala ako na Siya ay buhay ngayon.
Ipinapahayag ko sa aking bibig na si Jesucristo ang Panginoon ng aking buhay mula sa araw na ito. Sa pamamagitan Niya at sa Kanyang Pangalan, mayroon akong buhay na walang hanggan; ako ay ipinanganak muli.
Salamat Panginoon, sa pagliligtas sa aking kaluluwa! Ako ngayon ay anak ng Diyos. Aleluya!
Binabati kita!
Ikaw ay isa nang anak ng Diyos. Nais naming padalhan ka ng mga materyales sa ministeryo upang tulungan kang lumago bilang isang Kristiyano.